Hindi ko alam kung may makakabasa pa nito. Ewan ko kung andito pa yung mga dati kong kasama.
Ang alam ko, ginawa namin itong blog na ito bilang stress reliever namin lalo na ng mga analysts at developers. Ang alam ko, ito ang simbolo ng pagiging isang organisasyon namin.
Ilang taon na ba ang lumipas? Nakakamiss rin.
Nakakamiss yung pagreresearch ng mga codes para sa Kannel.
Nakakamiss maglogin gamit ang PuTTY.
Nakakamiss gumamit ng WinSCP.
Nakakamiss gumawa ng bash scripts.
Nakakamiss magback-up ng servers.
Nakakamiss magrepair ng servers.
Nakakamiss humawak ng servers.
Kahit mahirap, marumi at nakakapagod, nakakamiss ayusin ang mga computers sa Open Source Lab.
Nakakamiss manood at magdownload ng mga movies at TV series.
Pero kahit ganito, sobrang maligaya ako at naging bahagi ako ng grupong ito. Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko sa paglisan ko sa inyo, pero ang makasama kayo ang isa sa bahagi ng buhay ko na hindi ko makakalimutan.
"You don't know where you're going until you know where you've been"
I miss this! :(
Friday, April 30, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment